Nagsalita na si Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos na walang katotohanan ang mga alingasngas na bumili siya ng condominium unit para kay Dominic Roque at siya ang bagong “sugar daddy” ng actor.

“I-clarify ko lang, actually ‘yung condo totoong akin talaga ‘yon. Ginawa ko siyang airbnb. Syempre, as a friend, barkada, si Dom, asked me if I want to have it rented. Natawa na nga lang ako bakit tumalon ‘yung issue sa business na binahay na,” sabi ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos.

Idiniin niya na ang mga taong nagkakalat ng naturang maling impormasyon ay dapat harapin ang mga kahihinatnan.

“Sana naman itong mga nagkakalat, claiming they are mga batikang journalist, sana naman ingat ingat rin. They have responsibility to the people dapat fact-finding. Hindi ‘yung nalaman nila nasa pangalan ko ‘yung condo sugar daddy nako bigla. Ang problema doon sinakyan, ginagaslight nila ‘yung issue,” sabi pa ni Jaloslos.

“Naawa rin kami kay Dom. Affected na nga ‘yung tao sa breakup ililink pa kami sa kaniya. Kami pinagtatawanan lang talaga namin pero at some point kailangan talagang tumigil and I think these people have to be reprimanded. Kailangan may consequences, may batas tayo,” dagdag pa niya.