Inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Resolution No. 913 na humihiling sa kanyang mga kasamahan na imbestigahan ang misteryosong pagkawala ng beautiy queen na si Catherine Camilon.

“The involvement of police officers in heinous crimes have been increasing in the past months and there is a need to review the screening process of police officers as well as the retention of officers in active duty,” pahayag ni Sen. Raffy Tulfo.

Unang ipinost sa social media ni Chin-chin, kapatid ni Catherine, na nawawala ang kanyang kapatid noong Oktubre 12, 2023. At matapos ang limang araw na hindi ito mahanap, ideneklarang “missing person” ang beauty queen ng mga awtoridad.

Isang kaibigan ni Catherine ang nagbigay ng impormasyon sa pamilya ng biktima na nagkaroon ito ng relasyon sa isang pulis na nakilalang si Maj. Allan de Castro.

Nahaharap ngayon sa kasong kidnapping at serious illegal detention si de Castro, kanyang driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay, at dalawang iba pa kaugnay sa pagkawala ni Catherine.