Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng sariling kapatid sa Sitio Kampitan, Barangay Aranas, Balete Aklan nitong Miyerkules, Enero 31.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Elderberto Resulta habang ang suspek ay kinilalang si Ronald Resulta, nakakabatang kapatid nito.

Ayon kay Maj. Bryan Alamo, hepe ng Balete PNP, magkasamang nag-iinuman ang magkapatid nang magkainitan sa gitna ng usapan at umabot sa puntong pinagsasaksak ng nakababatang kapatid ang kanyang kuya.

Agad na naaresto ang suspek habang naisugod pa sa ospital ang biktima kung saan itong idineklarang dead on arrival.

Handa na namang magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban kay Ronald.

Ulat ni Princess Mae Dumagat