Patay ang limang miyembro ng pamilya nang masunog ang kanilang bahay sa Daraga, Albay nitong Martes, Enero 23, ng gabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Moncris Estipona, 35-anyos, live-in partner niyang si Rosalie Masarate Polido, 35 at tatlong menor de edad na anak.

Nakaligtas naman ang 14-taong gulang na anak ng mag-asawa na nakitulog sa bahay ng kanyang lola.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection sa Daraga, naganap ang sunog nitong martes ng gabi sa tahanan ng mag-anak na matatagpuan sa Purok 6, Sitio Matagbac , Baranay Kilicao sa nasabing probinsya.

Sa inisyal na ulat, dakong 9:00 ng gabi ay nagising na lamang ang mga kapitbahay ng mag-anak na malaki na ang apoy sa tahanan ng mga ito.

Mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang buong kabahayan na gawa sa kahoy.

Ulat ni Baronesa Reyes