Target ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatayo ng karagdagang cold storage facilities sa Metro Manila at ilang lalawigan para matugunan ang overproduction at post-harvest losses.
Kabilang sa ikinukonsidera pagtatayuan ng mga cold storage facilities ang La Union o Benguet, Taguig sa Metro Manila, lalawigan ng Quezon, at Mindoro.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, P1 bilyong budget ang nakalaan sa network ng chilled cold storage systems na pag-iimbakan ng mga agricultural commodities gaya ng gulay.
Layunin nitn na makatutulong ang gobyerno sa logistics at maayos na distribution system ng mga gulay na prayoridad ni Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. ngayong 2024.
Naunang ininspeksyon ni Laurel sa Food Terminal Incorporated (FTI) sa Taguig City bilang bahagi ng planong pagtatayo ng cold stories facilities.