Isang graduating student ang natagpuang patay sa isang silid-aralan sa Quezon City kung saan ang biktima ay may takip na supot sa kanyang mukha, ayon sa kanyang kaklase.

Natagpuang patay si Gerard, 23, 4th year college student at residente ng Brgy. Loyola Heights, Quezon City, dakong alas-10 ng umaga nitong Martes, Enero 9.

Ayon sa imbestigasyon, kakabalik lang bakasyon sa probinsiya ng ka-roommate na si Karl Cedric Escorel Opena bago nadiskubre ang kanyang bangkay na nakahandusay sa sahig ng kanilang silid.

Ang ulo at mukha ng biktima ay balot ng garbage bag at may tubo na nakakonekta sa tangke ng gasul. Walang nakitang sugat ang QCPD Forensic Unit sa katawan ng biktima.

Agad humingi ng tulong si Opena sa barangay officials at pulisya upang imbestigahan ang insidente.

Ulat ni April Steven Nueva España