Papayagan pa ring pumasada sa mga piling ruta hanggang Enero 31, 2024, ang mga traditional jeepney na hindi makakapag comply sa franchise consolidation ngayong Disyembre, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Unang sinabi ng gobyerno na maaaring mawalan ng permit-to-operate ang mga traditional jeepney kung mabibigo silang i-consolidate ang individual franchises sa isang kooperatiba o korporasyon bago December 31, 2023 deadline bilang bahagi ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Pero sa pinakahuling memorandum ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), papayagan pa rin na dumaan sa mga ruta kung saan wala pang 60 porsiyento ng mga jeepney ang mga non-consolidated individual operator at ibibigay ang show cause order sa mga ito.
Habang ang mga hindi sumunod sa deadline sa Disyembre 31 ay hindi na papayagang mag-organisa sa isang juridical entity o sumali sa mga umiiral nang pinagsama-samang transport service entities.
Nauna nang nagbabala ang mga transport group sa posibleng krisis sa transportasyon kung ang libu-libong tradisyunal na jeepney ay mapipilitang huminto sa pagbyahe dahil bigong mag-consolidate.