Walong lugar sa Visayas at Mindanao ang positibo sa red tide toxins, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong Martes, Disyembre 19.
Sinabi ng BFAR na nagsagawa ito ng mga pagsusuri sa mga shellfish na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar at ang mga ito ay napag-alamang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lampas sa limitasyon ng regulasyon:
- Sapian Bay (Ivisan and Sapian in Capiz; Mambuquiao and Camanci, Batan in Aklan);
- coastal waters of Roxas City in Capiz;
- coastal waters of Pontevedra in Capiz;
- coastal waters of Gigantes Islands, Carles in Iloilo;
- coastal waters of Dauis and Tagbilaran City, Bohol;
- Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur;
- Lianga Bay in Surigao del Sur; and
- coastal waters of San Benito in Surigao del Norte.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” ayon sa BFAR.