Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang mag-ina matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Cotabato City, nitong Martes, Disyembre 12, ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Rahim Timbangan Arsad, habang sugatan ang kanyang asawang si Melissa at dalawang buwang gulang na anak na lalaki.

Papauwi na sana sa kanilang bahay ang mga biktima lulan ng isang motorsiklo nang pagbabarilin ng mga suspek sa isang bahagi ng highway sa Barangay Tamontaka 4 sa nasabing lungsod.

Dead on the spot ang biktima bunga ng tama ng bala sa ulo habang mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Ulat ni Baronesa Reyes