Isang Korean national ang nalunod sa swimming pool beach resort sa Barangay Basdiot, Moalboal, Cebu, dakong 7:20 ng gabi nitong Martes, Nobyembre 28.


Ayon sa ulat ni Capt. Etelberto Timagos, hepe ng Moalboal Police Station, wala silang nakitang foul play sa pagkamatay ni Dalwon Soo, 25-anyos.

Isinugod siya sa hospital,kung saan binawian sya ng buhay.

Sinabi ni Timagos na aksidenteng nalunod ang biktima habang lumalangoy sa swimming pool, na may siyam na talampakan ang lalim,

Gayunpaman, makalipas ang ilang minuto, bigla na lang lumutang ang biktima na wala ng buhay at may bakas pa ng dugo isa ilong. Napagalaman na walang suot na life jacket ang biktima nang mangyari ang trahedya.

Ulat ni Princess Mae Dumagat