Iniimbestigahan ng Police Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) ng Central Visayas ang isang 32-anyos na suspek matapos magpa-imprenta ng mga hubo’t hubad na larawan ng dati niyang kasintahan sa isang tarpaulin.

“He was a coercive boyfriend, who blackmailed his girlfriend to display the tarpaulin with the print of her naked body, her face, chat messages and a picture of one of her male co-workers,” saad ni Lt. Mark Anthony Fredeluces, chief ng RACU 7.

Inaresto ng pulisya ang suspek sa isang entrapment operation sa Barangay Kasambagan, Cebu City nitong Sabado, Nobyembre 18.

Nasamsam din ang mga tarpaulin na naglalaman ng malalaswang larawan at personal na mensahe sa kanyang ex-GF.