Niyanig ng magnitude 5.6 earthquake ang ilang bahagi ng Samar , Leyte nitong Lunes, Nobyembre 20, ng hapon.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig alas-12:57 ng tanghali sa 11 kilometro hilagang-silangan ng Calbiga, Samar.
Naramdaman ang Intensity V sa Calbiga at mga kalapit na lugar habang Intensity IV sa Tacloban City at mga kalapit na bayan.
Sinabi ng Phivolcs na parehong tectonic ang pinagmulan ng lindol, na nangangahulugang ang pagyanig ay sanhi ng paggalaw ng aktibong fault sa lugar. Sinusuri pa rin ng mga lokal na awtoridad ang pinsalang dulot ng pagyanig ng lupa.
Paliwanag ng Phivolcs, ang lindol sa Samar ay dulot ng paggalaw ng mga aktibong fault na kinabibilangan ng Central Samar, Eastern Samar, at Salcedo Faults, at subduction (diving) ng Philippine Sea Plate sa kahabaan ng Philippine Trench.
Mayroon ding iba pang kalapit na mga lokal na fault, na maaaring hindi makita sa ibabaw, at maaaring pinagmumulan ng maliit hanggang katamtamang magnitude na lindol.
Ulat ni Baronesa Reyes