Ayon sa Social Security System (SSS) nitong Biyernes, Nobyembre 17, magsisimula na silang mamahagi ang 13th month pension para sa mga retiradong miyembro sa Disyembre 1, 2023.
Ang pamamahagi para sa mga pensiyon ay sa Disyembre 1 para sa mga pensiyonado na may petsa ng contingency mula 1 hanggang 15 habang ang iba ay sa Disyembre 4, ayon kay SSS Deputy Spokesperson Attorney Marissa Mapalo.
“Kung ano yung monthly pension na natatanggap nila, ito ay equivalent ng matatanggap nila bilang 13th month pay,” sabi ni Mapalo.
“Systematic na yung pagrerelease namin kasi kasabay po yan ng aming December pension, so kung regularly natatanggap nila yang kanilang mga monthly pension, dapat po kasabay na 13th month pay ng kanilang December pension,” dagdag pa ni Mapalo.