Naiturn-over na ng LGU Bugasong ang isang rare at itinuturing na endangered Brown Booby Bird sa pamamagitan ng MENRO Lavega, na personal na naghatid ng nasabing ibon sa DENR CENRO Belison noong Oktubre 27.

Pansamantalang nasa Local Government Units (LGU) San Jose Pawikan Center sa Barangay Funda Dalipe, San Jose, Antique ang ibon.

Ang seabird ay nasa obserbasyon ngayon ng Provincial Veterinary Office at ilalabas sa kagubatan sa lalong madaling panahon kung bumuti ang kondisyon nito.