Kasado na ang lahat ng preparasyon sa seguridad ng Philippine National Police (PNP) sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Election , 2023 sa Lunes, Oktubre 30.
Ito ang inihayag ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa press briefing na isinagawa sa Camp Crame, Quezon City.
“We want to assure our citizens that the PNP is fully in command of the situation and all systems go for the BSKE,” pahayag ni Acorda.
Nauna nang itinaas sa full alert status ang pwersa ng PNP noong Sabado kung saan aabot sa 187,600 pulis ang ide-deploy para sa election- related duties.
Sa sandaling magkaroon ng iba pang ganapan, tiniyak ni Acorda na handa ang kapulisan na tumugon.
Pinaigting na rin, aniya, ang checkpoint operations at border controls sa iba’t ibang panig ng bansa upang maiasan ang pagkakaroon ng karahasan. “
In areas of concern, particularly those under Comelec control, we have allocated additional human and logistical resources to ensure a seamless election process,” pahayag ni Acorda.
Sa ngayon, nasa dalawang lugar ang nasa ilalim ng Comelec control kabilang dito ang Libon sa Albay at Negros Oriental.
Malinaw ang mensahe ng PNP sa publiko at ito ay mananatiling nasa kontrol ng PNP ang election day at hindi nila kailanman ito-tolerate ang ano mang banta sa mapayapa at maayos na botohan.
“Our message to the public is clear: Election Day will remain under our control, and we will not tolerate any disruptions or threats to the peaceful exercise of your right to vote,” paliwanag ni Acorda.
“We urge the public to cooperate and report any irregularities or security concerns,” dagdag pa ng opisyal.
Nitong Biyernes ng umaga, aabot sa 135 na ang naitalang karahasan sa bansa; 26 sa mga ito ang election-related incidents habang ang natitirang 85 ay walang kinalaman sa BSKE. Ang natitirang 24 insidente ay patuloy pariong inaalam kung konektado sa nalalapit na eleksyon.
Ulat ni Baronesa Reyes