Tinalo ng Filipina billiard player na si Chezka Centeno ang Chinese na si Han Yu ng China, noong Linggo, Oktubre 22, na namuno sa 2023 Predator WPA World 10-Ball Women’s Championship sa Austria.

Pinatunayan ng 24-year-old kung sino ang bagong astig si billiard game nang talunin si Yu, isang three-time world 9-Ball champion, 9-5.

“This is my dream, to be champion,” sinabi ni Chezka.

Maiuuwi ni Chezka ang $50,000 (P2.8 milyon) na pinakamataas na premyo, na pinakamalaki sa kasaysayan ng women’s event.

Naghiganti rin si Centeno laban kay Yu, na nagpatalsik sa mentor ng una na si two-time 10-ball champion Rubilen Amit, sa quarterfinals, 9-3.