Sasabak ang Pinay racer na si Bianca Bustamante sa Formula 1 matapos ipahayag ng racer ang kanyang pagpirma sa McLaren Driver Development Program nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 18.
Si Bustamante, 18, ay makakarera sa finale weekend ng inaugural F1 Academy season sa Austin upang tapusin ang kanyang season kasama ang Italian team na PREMA Racing.
“I am full of gratitude and I promise to give it my all,” saad pa ni Bianca.
Magsusuot siya ng iconic na orange ng McLaren at sasabak sa mga track sa ilalim ng banner ng ART Grand Prix para sa isa pang title run sa 2024 F1 Academy season.
“This is such an unreal moment in my career, to sign with McLaren and ART Grand Prix is way beyond anything I could’ve ever imagined growing up racing karts in the Philippines,” ayon sa Filipina racing driver na si Bianca Bustamante.