Patay ang isang batang lalaki habang sugatan ang 10 iba pa matapos na pagtatagain umano ng isang ex-convict na nagwawala at nag-amok nitong Miyerkules, Oktubre 18, ng hapon sa Asipulo, Ifugao.

Dead on the spot ang biktima bunga ng tama ng taga sa katawan. Isinugod naman sa Panopdopan District Hospital sa Lamut, Ifugao at Region 2 Trauma and Medical Center sa Bayombong,

Nueva Vizcaya ang mga nasugatan na kinabibilangan nina Aldrick Hagada, kapitan ng Barangay; Michael Tucal, Tomas Tayaban, Ezperanza Tadao, Jenariz Dimanling, Melanie Pihlo, Jocelyn Tagnao at tatlo pang menor de edad.

Dinala din sa pagamutan ang suspek na nakilalang si Davis Bullong, 44 , residente ng Barangay Antipoloi sa bayan ng Asipulo.

Sinabi ni P/Capt. Francisco Buyuccan, hepe ng Asipulo PNP, naganap ang insidente dakong ala-3 ng hapon sa naturang barangay.

Aniya, bigla na lamang nagwala ang suspek at nanaga ng kanyang mga kapitbahay.

Napigil lamang ang pagwawala ng suspect nang barilin ito sa binti ng mga rumispondeng alagad ng batas. A

yon sa ulat, akma sanang tatagain ng suspek ang kanyang ika-12 biktima nang marating ang Asipulo Central School nang barilin siya ng mga pulis.

Napag-alaman na ang suspek ay nakulong ng 10 taon mula 2001, at muling nakulong noong 2013 dahil sa kasong frustrated murder.

Ulat ni Baronesa Reyes