Inihayag ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena at ang kanyang koponan na sila ay nagiisip ng mga option matapos siyang akusahan ng doping sa comments section ng isang social media post.
Kabilang sa mga nag-komento sa post ay nagmula sa profile ni Anais Lavillenie, asawa ng dating world record-holder at 2012 Olympics gold medalist na si Renaud Lavillenie ng France. “Si Obeina [sic] nagdo-dope at babagsak na parang Braz. Same coach, Same plan, same objective!” nabasa ang comment.
Hindi sumagot si Anais nang direktang tanungin kung inaakusahan niya si Obiena ng paggamit ng performance enhancing drugs (PED’s). Nag-post si Obiena ng screenshot ng mga komento sa kanyang Facebook account noong Linggo, Oktubre 15.
“I want to remain classy and dignified on this subject. All I will say is I am disappointed, angry, and feel wronged by these statements,” mababasa sa facebook post ni EJ.
“I will let the story evolve while my team explores the many angles, including legal,” saad pa ni EJ. “I guess this is part of the price you pay when you win.”