Ibinahagi ng dating Gilas Pilipinas head coach na si Chot Reyes sa kanyang Instagram post ang kanyang larawan sa matapos mag-donate ng isa sa kanyang mga mamahaling suit na Thom Browne top sa Patrick Baumann House of Basketball sa Switzerland.
“Thank you @fiba Secretary General Andreas Zagklis for the warm welcome to the House of Basketball. Was asked by FIBA Foundation’s Head Curator Miguel Font to donate some personal items I’ve been wearing through the qualifying windows last year until the WC this year,” mababasa sa caption ng dating head coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes.
“What an honor to see my coat displayed at the FIBA Museum!” dagdag pa ni Chot.
Binatikos si Reyes dahil sa umano’y pagtutok sa kanyang courtside look matapos niyang magsuot ng $2,309 (₱131,012) suit sa isa sa mga laro, sa kabila ng palpak na performance ng Gilas sa unang round ng FIBA World Cup.
Sa isa sa kanyang mga panayam, sinabi ng beteranong coach na ang designer suit ay “reward” sa kanyang sarili.