Sinabi ni ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner na “propaganda at papogi lang” ang naging pahayag ng China na pinalayas ng mga ito ang Philippine Navy gunboat na nasa scarborough shoal.
“ Hindi, K’wan lang yun, propaganda lang nila, galing sa Beijing yun diba? Pina-verify na naming,s o wala namang ganun na nangyari so sa tingin ko propaganda lang ng China yun,” pahayag ni Brawner.
Nilinaw din ni Brawner na sa nayon ay wala namang barko ng Philippine Navy sa lugar dahil nasa ibaba umano ang mga ito sa may bandang katimugang bahagi at kahit pa aniya noong mga panahon na pinutol ng Pilipinas ang floating barrier na inilatag ng China sa Bajo de Masinloc ay wala rin ang presensiya ng kanilang puwersa doon dahil ang nagbabantay sa lugar ay Philippine Coast Guard (PCG).
Naniniwala din si Brawner na kaya ipinakalat ng China ang fake news na pinalayas ng mga ito ang barko ng Pilipinas sa Scarborough Shoal ay upang magpa-pogi sa kanilang mga mamamayan at upang maipakita na malakas pa rin ang kanilang liderato.
“Propaganda ng Chinese yan, It’s not true, there is no truth, If ever kung may barko tayo dun hindi tayo pa, ano palalayasin? Hindi tayo papaya na palalayasin sa exclusive economic zone, it is our duty , it is our right to make sure that our fishermen can fish in our economic zone,” giit ni Brawner.
Ang pahayag ay ginawa ni Brawner bilang sagot sa pahayag ni China Coast Guard spokesperson Gan Yu na pinalayas ng mga ito ang barko ng Philippine Navy sa scarborough shoal na tinatawag nilang Huangyan island nitong October 10, 2023.
Ulat ni Baronesa Reyes