Sinaluduhan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang Metro Manila mayors sa kanilang pagsuporta sa moratorium sa pass-through fees na sinisingil sa mga delivery trucks tuwing dumaraan sa kani-kanilang hurisdiksiyon.
Ito ay matapos aprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang MMDA Resolution No. 23-15 na nagsususpinde sa pangongolekta ng pass-through fees sa mga delivery vehicles sa national at local roads base sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“In the interest of public welfare, said LGUs are further strongly urged to suspend or discontinue the collection of fees, such as but not limited to, sticker fees, discharging fees, market fees, toll fees, entry fees, or Mayor’s permit fees, that are imposed upon all motor vehicles transporting goods and passing through any local public roads constructed and funded by said LGUs,” nakasaad sa resolusyon ng MMDA.
Dahil dito, pinasalamatan ni Abalos ang mga LGUs sa Metro Manila na nagpapakita ng tunay na diwa ng “bayanihan” upang maibsan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ani Abalos, simila pa noong 2016 nang inirekomenda ng DILG ang pagpapatigil sa pangongolekta pass-through fees sa mga national at local roads.
“Aside from easing the burden of consumers, EO 41 will likewise simplify the farm to market process of goods,” dagdag ni Abalos.