Muling mag-iisyu ng plastic driver’s license cards ang Land Transportation Office (LTO) para sa mga motorista kasama rito ang mga na-expire ang lisensiya mula noong Abril 2023.

Sa inilabas na memorandum ng LTO noong Martes, October 3, nagtakda ang ahensya ng araw para sa renewal ng mga lisensiya na na-expire mula April 30 hangang September 2023.

Para sa mga lisensiya na napaso mula April 1 to 30 , 2023, maari silang magpa-renew ng lisensia mula October 6 to 31, 2023.

Ang mga lisensya na na-expire noong May 1 to 31 , 2023 ay maaring mag-renew mula November 1- 30.

Sa December 1 to 31 naman ngayong taon maaring mag-renew ang mga lisensiyang napaso mula June 1 to 30 habang nakatakda naman sa January 1 to 31 sa susunod na taon ang renewal ng mga lisensyang napaso mula July 1 hanggang 31, 2023.

Para naman sa mga lisensiyang na-expire ngayong August 1 to 31, maaring i-renew ang kanilang lisensiya sa darating na February 1 to 29 sa susunod na taon.

March 1 to 31 naman sa susunod na taon maaring i-renew ang mga lisensiyang na-expire noong September 1 to 30, 2023.

Ulat ni Baronesa Reyes