Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Senator Bong Go, ngayong Lunes, Oktubre 2, ang rumored boyfriend ni Veronica “Kitty” Duterte na si Evan Nelle na kasamang naghapunan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte, ama ni Kitty.

Kamakailan ay ibinahagi ni Kitty sa pamamagitan ng isang Instagram reel ang behind-the-scene na video ng kanyang sarili na nagpa-pose sa camera mula sa isang maliwanag na photoshoot at nakipagkulitan sa comment section sa social media kay basketball player ng De La Salle University na si Evan Nelle.

“Paint the town red pero black and white? Galeng,” komento Evan sa limitadong comment section ng post ni Kitty.

“Ligo ka muna dyan,” sagot naman ni Kitty.