Asahan na ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng itlog sa susunod na mga araw.

Ayon kay Gregorio San Diego, pangulo ng United Broilers Association at chairman ng Philippine Egg Board, nagtaas ng P0.20-P0.30 ang farmgate price ng kanilang produkto nitong nakalipas na isang linggo.

Aniya, nasa P6.65 ang farmgate price ng bawat medium-sized na itlog pero sa Ilocos Norte, umabot na ito sa P7.33.

Bumaba raw kasi ang produksyon ng itlog dahil sa malaking epekto ng mga nagdaang bagyo, lalo na sa Norte, kasama na ang epekto ng bird flu.

Ulat ni April Steven D. Nueva España