Inanunsiyo ng pamunuan ng Pasig River Ferry Service na maaari nang isama ng mga pasahero ang kanilang alagang pusa o aso sa pagsakay sa ferry boats.

“Gustong mamasyal pero kailangan isama ang inyong furbabies? Don’t worry, puwede sila isakay sa Pasig River Ferry Service,” ayon sa kumpanya.

Siguraduhin lamang na nasa loob ng carrier o kulungan ang mga pets para hindi makaabala sa ibang pasahero.

Ang mga istasyon ng Pasig River Ferry ay matatagpuan sa Kalawaan, San Joaquin, Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Lambingan, Sta. Ana, Quinta, Lawton, at Escolta.

Pinaalalahanan din ng kumpanya na pansamantalang suspendido ang biyahe sa kanilang mga istasyon sa PUP, Maybunga, at Pinagbuhatan stations dahil sa sirang pontoon at dami ng waterlilies.