Labing-isa katao ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Barangay Day-asan, Surigao City.

Lulan ang mga biktima ng M/B CA Justin mula sa isang floating resort nang sumadsad ang bangka na naging dahilan ng pagkasira ng makina at propeller nito.

Agad namang nakahingi ng tulong ang mga biktima sa PCG, na mabilis namang rumesponde.

Gamit ang rubber boat, dinala ng mga tauhan ng search and rescue team ng PCG ang mga biktima sa Coast Guard Special Operations Unit Boathouse bago pa man lumubog ang bangka.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

—Baronesa Reyes