Mukhang may magandang aabangan ang mga fans ng magandang singer/actress na si Janella Salvador dahil balik-studio na ito para sa kanyang bagong album.

“It has finally, finally, finally… officially begun. I hope you’re ready,” ani Janella sa kaniyang Instagram post.

Makikita sa serye ng litrato ni Janella na nasa recording booth, kasama ang creative director ng Star Music, ang recording label ng ABS-CBN, na si Jonathan Manalo.

Bukod sa bagong album, paaapuyin din ni Janella ang performance stage dahil sa kaniyang konsiyerto ngayong taon.

“Last year was my 10th year. I might have a concert this year,” ani Janella.

Gayon man, tikom naman ang bibig ng multimedia star sa detalye ng kanyang nilulutong album at maging sa kanyang concert.