Dalawang miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah ang nasawi matapos makipagbakbakan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur, noong Lunes, Setyembre 11.

Ayon sa ulat ni 601st Inftantry Brigade commander Brig. Gen. Oriel Pangcog, ang bakbakan ay naganap sa pagitan ng grupo ni Commander Saga Malandag ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) 118th Base Command at Dawlah IslamiyaH na pinamumunuan ni Commander Abdulnasser Guianid.

Nagsimula ang bakbakan dakong 5:00 ng madaling araw sa Barangay Mother Tuayan.

Tumagal ng halos isang oras ang bakbakan kung saan inabot pa ng ilang oras bago marating ng militar ang clash site kung saan natagpuan ang bangkay ng dalawang terorista.

Napag-alaman na matagal na ring sangkot sa rido ang pamilya Guianid at Malandag na siyang naging sanhi ng bakbakan.


—Baronesa Reyes