Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na minamadali nila ang pamamahagi ng P15,000 livelihood assistance sa mga micro rice retailers para hindi abutan ng election ban.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, nagsabi na sila sa Commission on Elections (Comelec) hinggil sa posibilidad na mabigyan sila ng exemption para sa pamamahagi ng P6 bilyong livelihood assistance sa 5,942 small rice retailers na naapektuhan ng price cap ng Malacanang.
Ang naturang ng mga micro rice retailers na rehistrado sa mga government agencies tulad ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Department of Trade and Industry (DTI) ang makikinabang sa livelihood assistance ng DSWD.
Base sa umiiral na Omnibus Election Code, mahigpit na ipinagbabawal ang pamamahagi ng pera sa pagsisimula ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Setyembre 19, 2023.
Aminado si Gatchalian na simula noong Sabado, Setyembre 9, ang unang araw ng pamamahagi ng ayuda, nasa 474 rice retailers pa lang ang nabibigyan nila ng ayuda na nagkakahalaga ng P7.5 milyon.
Kabilang sa mga lugar kung saan nabigyan na ng livelihood grant ang mga nagtitinda ng bigas ang San Juan, Caloocan City, Quezon City, Paranaque, Navotas at Zamboanga del Sur.
Umaasa si Gatchalian na mapapabilis nila ang proseso bago sa itinakdang deadline ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Setyembre 14 – makakuha man sila na exemption sa Comelec ban o hindi sa mga darating na araw.