Ipapatupad ng Manila Electric Company (Meralco) ang higit P0.50/kWh na taas-singil sa kuryente ngayon Setyembre.


Sa advisory ng Meralco, magkakaroon ng P0.5006/kWh dagdag singil o overall capacity rate na P11.3997/kWh ngayong buwan mula sa dating P10.8991/kWh noong Agosto.


Ayon kay Joe Zaldariaga, tagapagsalita ng Meralco, ang dagdag singil ay nangangahuluga ng pagtaas ng P100 sa total bill ng mga customer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan; P150 sa mga nakakagamit ng 300 kWh; P200 s 400 kWh; at P250 sa 500 kWh.

Ang pagtaas ng power rate ay bunsod na mas mataas na generation charge na dulot naman ng paghina ng halaga ng piso kontra dolyar, paliwanag ni Zaldariaga.