Isa ang nasugatan matapos na bumagsak sa residential area ang dalawang M-79 grenades na pinalipad ng hindi pa nakikilalang suspek sa Buluan, Maguindanao del Sur, nitong Linggo, Setyembre 3.

Ayon kay Buluan Municipal Police Station chief P/Lt. Cemafranco Cemacio, naganap ang insidente dakong 2:00 ng madaling araw sa residential area sa Purok 3, Barangay Digal sa nasabing lalawigan.

Gayunman, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na agad namang dinala sa pagamutan.

“One of the grenades landed on the roof of one of the houses that slightly injured one person,” pahayag ni Cemacio.

Kinondina din ng opisyal ang insidente dahil wala umanong magandang dulot ito sa mga residente kundi pawang takot.

Sa ngayon, inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa papalapit ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 ang pag-atake.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon upang maaresto ang nasa likod ng pagpapasabog.

Ulat ni Baronesa Reyes