Pinagtataga hangang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang ina at dalawa nitong anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pupua , Catbalogan City, Samar.

Naliligo sa sariling dugo nang matagpuang ang mga biktimang sina Rea Oreo,26; at 3-taong gulang na anak na babae, at anak na lalaki na limang buwang gulang.

Ang mga biktima ay natagpuan ni Edito Candiz, asawa ni Rea. Napag-alaman na ang bahay ng mga biktima ay may 200 metro ang layo mula sa main road .

Ayon sa ulat, umuwi si Candiz sa kanilang bahay at laking gulat nito nang makita ang kanyang mag-anak na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng taga sa katawan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente at malaman narin kung sino ang responsable sa pagpatay.

Ulat ni Baronesa Reyes