Dalawang pulis ang natagpuang patay sa loob ng police station sa Narvacan, Ilocos Sur nitong Huwebes ng umaga, Hulyo 20.

Sa inisyal na ulat ng Narvacan Municipal Police Station, dakong 7:30 ng umaga nang
natagpuang nakahandusay sa sahig ng ikatlong palapag ng police station si Cpl. Jeric Ace Garcillan Abaoag.

Lumalabas na ang biktima ay binaril umano ng kapwa niya pulisya na si Patrolman Joe Orden Mendoza gamit ang .9mm na baril.

Natagpuan din sa tabi ng bangkay ni Abaog ang wala nang buhay na si Mendoza, ayon sa pulisya.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng pulisya ang dahilan ng pamamaril.

—Baronesa Reyes