On-going na ang pagpapawalambisa sa kasal nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, ayon mismo sa aktres. Matatandaang tatlong taon na mula nang maghiwalay ang dalawa.

“Definitely, we are already separated, mga three years now. And we are working on the annulment,” aniya sa isang media interview sa pagtatapos ng “Dirty Linen” na pinagbidahan ng aktres.

Samantala, pinabulaanan naman ng aktres na may namamagitan sa kanila ng “Dirty Linen” co-star na si Christian Bables. Ayon sa anak nina Jean Garcia at Jigo Garcia, matalik lang talaga silang magkaibigan ni Christian.

“Siguro talagang effective lang po yung pagkakasulat ng writers namin sa ‘Dirty Linen’ pero yung love ko talaga kay Christian is the same way that I do love my brothers, yung ganyan talaga,” ani Jennica sa naturang interview.

Samantala, nauna nang tinangka nina Jennica at Alwyn na ayusin ang kanilang relasyon noong Pebrero 2022 at ipinagdiwang pa nga nila ang kanilang 12th wedding annivesary pero hindi talagang kinaya na isalba pa ang kanilang kasal.

May dalawang anak sina Alwyn at Jennica na sina Athena Mori at Alexis Severina.