Imbes na mapikon ay tila naaliw pa ang legendary Filipino musician na si Jose mari Chan sa mga lumalabas na memes na ginagawa ng mga netizens tungkol sa pagpasok ng “ber” kung saan nagiging tampok sa halos lahat ng sulok ng bansa ang kaniyang mga iconic Christmas songs.

“I really wonder whose behind the memes, I mean who created those memes,” sinabi ni Chan, tinaguriang “Father of Philippine Christmas Music.”

“Thank you very much for making me one of the symbols of Philippine Christmas,” dagdag ni Chan.

Napatanong naman ang host ng programang “Unang Hirit” ng GMA-7 na si Susan Enriquez  kung anong meme na hindi pa nagagawa ang gusto niyang makita sa susunod.

“I’m waking up early in the morning and then there’s a parol sa window, ‘Wow! it’s Christmas,” sagot naman ni Chan.