Dahil sa matinding chemistry ng beautiful actresses na sina Janella Salvador at Jane de Leon, na gumanap na Valentina at Darna sa action fantaserye na halaw sa isinulat na nobela sa komiks ni Mars Ravelo, ang hiling ng mga fans: Girl Love-themed na palabas para sa dalawa.

Sa isang X (dating Twitter) livestream nina Jane at Janella, ilang fans ang nag-comment ng “GL” nang paulit-ulit.

Sagot naman magandang singer-actress na si Janella sa fans, “hold your horses” muna:

“GL daw. Wait lang, guys… Magtiwala kayo sa’min. Ang masasabi ko lang, what’s meant to be, will be.”

Earlier this year, sinabi nina Janella at Jane na puwede namang maganap ang Girl Love themed na movie or TV series nang pumutok ang #JaneNella at #DarLentina sa kasagsagan ng Darna.

Pero, may kondisyon si Janella tungkol sa possible na GL project nila ni Jane: dapat maganda ang storyline at ma-i-represent nang maayos ang LGBTQI+ community sa palabas.