Mula ngayong araw, Agosto 25, hanggang Setyembre 10, nag-aalok ang MRT-3 ng libreng para sa mga atleta, volunteer, at iba pang delegado ng FIBA Basketball World Cup 2023.

Ginagawa ito bilang suporta ng administrasyon ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa lahat ng mga partisipante sa nasabing kompetisyon.

Sapat na ipakita lamang ng mga delegado ang kanilang FIBA Accreditation Pass sa service gate ng mga train station upang makasakay sa MRT-3 sa operational hours nito.