Ikinalungkot ng screen superstar na si Kathryn Bernardo ang tila “invasion of privacy” na naganap sa kaniya matapos na lumabas ang isang viral TikTok video kung saan nakikita siyang sumusubok na mag-vape.

Sa naturang video, makikita si Kathryn na mukhang nasa break time at tina-try na mag-vape.

Overhead at tila palihim ang kuha ng “paparazzi” na nag-upload ng video ng Kapamilya superstar. Tila insider o kaya naman ay nakalusot sa security ang misteryosong “maniniyut” na kumuha at nag-upload ng naturang video.

Sabi naman ng “A Very Good Girl” star sa isang interview ng ABS-CBN News sa kaniya kahapon, Agosto 23, sinabi ni Kathryn na hindi naman masusukat ang pagkatao niya dahil sa isang video.

Pero, ang pakiusap ni Kathryn: “Sana it won’t happen again, kasi kailangan din namin sometimes ‘yung privacy at personal space namin.”