Patay ang isang guro matapos na tadtarin ng saksak ng hindi pa nakikilalang suspect sa Negros Occidental.

Nakilala ang biktima na si Tony Lozaga, 51 anyos, at residente ng Barangay 34, Bacolod City.

Sa ulat ng PNP, naganap ang insidente sa Barangay San Pedro, Binalbaga, Negros Occidental.

Papauwi umano ang biktima nang harangin ng suspek at tinangkang agawin ang kanyang bag.

Nanlaban ang biktima kung kaya’t bumunot ang suspek ng patalim at tinadtad ito ng saksak.

Dead on the spot ang biktima dahil sa 16 natamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Capt. Glen Portunes, hepe ng Binalbagan Police Station, tinangay ng ‘di pa kilalang suspek ang cellphone ng biktima at iba pang gamit nito.

Nagpapatuloy ang pursuit operations ng pulisya laban suspek na agad tumakas sa crime scene.

-Baronesa Reyes