Inaprubahan ng Senado ngayong Lunes, Agosto 14, 2023 ang House Bill No. 7413 na magbibigay daan sa pagpapalit ng pangalan ng Agham Road sa Quezon City sa “Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue.”
Kilala bilang the “Feisty Senator”, minahal ng maraming Pinoy si Defensor-Santiago dahil sa kakaibang tapang at talino na ipinamalas nito sa kanyang mahabang panahon ng panunungkulan bilang miyembro ng Mataas ng Kapulungan.
Si Defensor-Santiago rin ang natatanging mambabatas na nanilbihan sa tatlong pangunahing sangay ng pamahalaan – hudikatura, lehislatura at ehekutibo. Nagsilbi siya bilang senador ng dalawang termino o may katumbas na 12 taon.
“With the passage of this measure, the nation will forever celebrate and honor Senator Miriam for being a great leader and lawmaker that she was and for her immense contribution to our eternally grateful country,” pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian sa kanyang privilege speech matapos aprubahan ng SB 7413.
Si Santiago ay naging pinakabatang hukom sa Regional Trial Court ng Quezon City at naging kilala sa matapat at matapang na pagpapatupad ng batas.
“To our young people she was a rock star, Mr. President, not only because of her wit and sense of humor but also of her bold and moral leadership,” dagdag ni Sen. Gatchalian.
Minahal din ng kabataan si Senator Miriam dahil sa kanyang “Hugot Lines” na kanyang palaging pambungad sa tuwing siya ay matatalumpati sa mga paaralan.
Unang inaprubahan sa House of Representatives noong Marso 21 kung saan pumabor ang 283 mambabatas , no negative at no abstention.
Si Sen. Ramon Revilla Jr. ang naghain ng Senate version kung saan na nakakuha ito ng 22 na pabor na boto, na wala ring kumontra o nag-abstain sa nasabing panukala.
Si Senator Miriam ay pumanaw noong September 29, 2016 sa edad na 71 matapos ang mahabang panahon ng pakikibaka sa cancer.