PCSO lotto

Isang mananaya lang ang nanalo ng mahigit P366-milyon jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 nitong Biyernes, Hunyo 30.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagkakapanalo ng isang tumaya mula sa Cabiao, Nueva Ecija.

Natsambahan ng nanalo ang winning number combination na 43, 58, 37, 47, 27, 17 at solong kukubrahin ang P366,687,465.20 jackpot prize.

Ang pinakamalaking napanalunan sa Ultra Lotto 6/58 ay P1,180,622,508, na hinati sa dalawang mananaya noong Oktubre 14, 2018.