Lubos ang pasasalamat ng TV host na si Vice Ganda sa kaniyang mga co-host sa noontime show ‘It’s Showtime’ at maging sa mga madlang pipol nang batiin siya ng mga ito dahil sa kaniyang bagong achievements.

“Maraming salamat talaga. Seriously maraming-maraming salamat sa aking mga Twitter followers. Ang dami niyo na, 15 million. Nakakatuwa ‘yung first Filipino to have 15 million followers on Twitter, now X.”

Ikuwinento ni Vice na siya rin ang unang Filipino na nakakuha ng one million followers sa Facebook.

“Kasi dati, hindi pa masyadong malala ang social media ay Facebook Queen na ako. Ako ‘yung first Filipino naman to reach 1 million followers sa Facebook.”

“Tapos si Anne nagti-Twitter siya, sabi niya, ‘Mag-Twitter ka.’ Sabi ko, ‘Ayaw ko pang-sosyal lang ‘yan, saka masyadong nakakaartista.’ Tapos ngayon mayroon na tayong 15 million,” dagdag pa nito.

Inianunsiyo rin Vice ang isa pa nitong achievement nang ma-nominate ang kaniyang game show na ‘Everybody Sing! (season 2)’ bilang Best Asian Original Game Show sa ContentAsia Awards.

“Congratulations kay Direk Jon Moll at sa buong ‘Everybody, Sing!’ family. Sa ABS-CBN, congratulations. Maganda talaga itong content natin na ‘Everybody, Sing!’ Bukod sa fun and entertaining ay public service siya at the same time.”

“Kaya naman nakakatuwa na nano-nominate tayo sa mga Asian awards. Hindi ba nananalo na tayo sa Asian Academy Creative Awards; ngayon naman sa ContentAsia Awards. Magkaiba siya pero Asian-Asian siya. Kaya naman Philippines, pray with us para manalo ulit ‘yung ating entry diyan sa ContentAsia,” dagdag pa nito.

-Jerico Batocabe