Buong giliw sa pagkanta ang NBA star player na si Stephen Curry ng “Misery Business” kasama ang isang vocalist ng Paramore rockband na si Hayley Williams sa kanilang jampacked concert sa San Francisco, California.

“#30 on the track!” caption ng Paramore sa kanilang post sa TikTok.

Nag-post din si Steph, kasalukuyang point guard ng Golden State Warriors, ng mga larawan at video ng rock concert kasama ang kanyang maybahay na si Ayesha.

Ang “Misery Business” ay bahagi ng 2007 hit album ng Paramore na “Riot!” Sa kanilang mga stint, iniimbitahan ng rockband ang kanilang fans o mga noted personalities sa entablado upang maki-jam sa kanila.

Kasalukuyang nasa tour ang Paramore bilang suporta sa kanilang album na “This is Why,” na inilabas noong Pebrero.