Viral ngayon Martes, Agosto 8, ang post ng aktres na si Andrea Brillantes matapos mag-comment sa Instagram live ang miyembro ng South Korean girl group na Blackpink na si Rosé.

Matapos tanungin ni Rosé ang fans nito kung ano ang “favorite” o hindi malilimutang karanasan ng mga ito bilang Blinks, agad namang nagkomento si Andrea ng kaniyang unforgettable moment.

“My favorite memory is when you noticed me for my promposal,” komento ni Andrea.

Agad namang nabasa ni Rosé ang komento ni Andrea at sinabing natatandaan niya ito. “Oh! is that you?!… Somewhere in Southeast Asia.”

Sa puntong ito, naging instant ang reply si Andrea na siya nga ‘yun.

Nasorpresa si Rose sa naging tugon ng aktres na sinundan ng pag-amin nito na hiwalay na sila ni Ricci Rivero.

“We broke up now,” komento ni Andrea na gulat na abinasa naman ni Rosé.

Napa-“no” na lang si Rosé matapos niya itong malaman.

Sinabi naman ni Andrea: “Okay na ako ngayon, at masaya.”

“It’s okay Rosé!!! I’m happy now!!!” komento ulit ni Andrea “It’s okay, because you girls still noticed me and I loved you all so much,” dagdag pa nito.

Napa-thumbs up naman si Rosé nang malamang okay na si Andrea.

Matatandaan na noong Marso 25, sa ikalawang araw ng world tour ng Blackpink sa Pilipinas, nag-viral si Andrea nang mabasa ni Rosé ang promposal sa noo’y boyfriend na si Ricci Rivero para maging date sa Starmagic ball.

-Jerico Batocabe

Video courtesy: Andrea Brillantes/Instagram Story