Ibinunyag ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi nila palulusutin ang naglalakihang budget proposal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa pagbiyahe sa ibang bansa, kung saan ang pondo ay kukunin sa panukalang 2027 national budget.
‘Yung pagbiyahe, ‘yung mga training, ‘yung mga maraming conferences. Nakita namin dun ang lalaki, bilyon ang gastos natin ‘dun,” ani Gatchalian sa panayam nina Alvin Elchico at Doris Bigornia sa radyo DZMM ngayong Biyernes, Nobyembre 27.
“Binawasan namin ‘yun, kasi puwede naman silang mag-online training,” sabi ni Gatchalian.
Sinabi pa ni Gatchalian na nais ng Senado na matiyak ang tamang paggastos ng gobyerno mula sa pondo ng bayan na nararapat ituon sa pagbangon ng ekonomiya.
“Puwede naman silang mag-domestic training na lang,” dagdag pa ng lider ng Senado.
