Hiniling ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na isaalang-alang ang nakaugaliang pananalita ng mga Bisaya sa pagsusuri sa mga binitiwang pagbabanta ni Duterte laban sa sangkot sa ilegal na droga.

Sa pre-trial filing na isinumite noong Nobyembre 25, iginiit ni lead defense counsel Atty. Peter Haynes na dapat unawain ang mga pahayag ni Duterte batay sa kontekstong kultural ng kanyang pinagmulan at ng mga taong kanyang kinakausap.

“To Western ears, and indeed to listeners outside of Davao, Mr Duterte’s rhetoric directed towards those involved in producing, trafficking or even using drugs, may be objectively shocking,” saad sa filing ng depensa.

“What needs to be determined is whether Mr Duterte’s rhetoric, confronting as it is to Western ears, meant the same to its intended audience,” dagdag pa.

Binanggit ni Haynes ang salitang Bisaya na “bugalbugal,” na aniya ay isang pamilyar na kaugaliang Cebuano ng pakikipagbiruan na kinapapalooban ng panunukso, pangungutya at sadyang mapangahas na mga salita.

Iginiit ng depensa na ang paggamit ni Duterte ng mga katagang “I will kill you” o “Papatayin kita,” ay maaaring bahagi lamang ng nakagawiang pananalita sa dayalektong Bisaya at Cebuano at hindi nangangahulugang may intensiyong pumatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *