“Courts of justice are limited to the application of the law, without opening themselves to the charge of indulging in judicial legislation or of encroaching upon the political field reserved by the Constitution for Congress, and sometimes for the Executive,” nakasaad sa concurring opinion ni Supreme Court (SC) Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.
Isa si Caguioa sa siyam ng mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa pagbasura sa consolidated petition for writ of habeas corpus na inihain ng mga anak ni former president Rodrigo Duterte na kumukuwestiyon sa pag-aresto at pagkukulong dito sa The Hague, Netherlands sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Sa kanyang 30-pahinang concurring opinion, sinabi ni Caguioa na hindi na kailangang magbalangkas ang Korte Suprema ng guidelines o panuntunan para sa pagsuko ng mga Pinoy sa international tribunal, tulad ng ICC, dahil ang makikinabang lamang dito ay ilang indibiduwal na inakusahan bilang “co-perpetrators” ni Duterte sa “war on drugs.” tulad ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na ilang buwan nang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Binigyang-diin ni Caguioa na tanging ang Kongreso ang may constitutional authority para bumalangkas ng batas na may kinalaman sa pagsuko o pagpapatapon (extradition) ng mga Pinoy sa ibang bansa upang isalang sa paglilitis doon.
Aniya, walang international tribunal ang kasalukuyang may hurisdiksyon sa individual criminal responsibility kundi ang ICC.
Bagamat bumitaw na ang Pilipinas sa Rome Statue noong 2019, ipinaliwanag din ng mahistrado na hindi na maaaring mag-imbestiga, mag-aresto, o maglitis ng mga Pinoy maliban lang doon sa mga kinasuhan na bilang co-perpetrators” ni Duterte sa war on drugs nito.
