Ibinasura ng Supreme Court (SC) ngayong Martes, Nobyembre 24, ang consolidated habeas corpus petitions na kumukuwestiyon sa pag-aresto at pagkakakulong kay dating pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
Ayon sa SC, hindi na maipatutupad ng mga korte sa Pilipinas ang writ of habeas corpus dahil kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands si Duterte.
Sa desisyon ng SC En Banc, na isinulat ni Associate Justice Japar Dimaampao, tumanggi ang korte sa mga petisyong inihain ng mga anak ni Duterte na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, at Veronica “Kitty” Duterte.
Siyam na mahistrado ang bumoto pabor sa pagbabasura ng mga petisyon, habang apat naman ang hindi sumang-ayon.
