Haharap sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si dating Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament member Sultan Edrieza Nasser Rimbang sa Nobyembre 5.

Si Rimbang ang itinuturong financier, o nagpondo, sa umano’y planong pagpapasok ng 521 kilo ng shabu, na nagkakahalaga ng mahigit ₱3.5 bilyon, sa Pilipinas mula sa Laos.

Nauna nang itinanggi ni Rimbang ang nasabing alegasyon.

Ayon kay PDEA spokesperson Atty. Joseph Calulut, nagtungo sa kanilang tanggapan ang mga abogado ni Rimbang at nangakong ihaharap ang kanilang kliyente sa susunod na linggo.

Bukod kay Rimbang, dalawa pang persons of interest ang hindi pa tumutugon sa subpoena ng PDEA, kabilang si Abdulkarim Macalatas, na sinasabing consignee o tatanggap sana umano ng shipment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *